Sa pamagat pa lamang malalaman mo na kung ano ang nilalalaman ng blog na ito. Ang bagay tungkol sa ukay ay napakahalaga sa akin dahil nakatira ko sa lugar kung saan uso at nananatiling buhay ang ukay. Ang ukay ay mga damit na nilalako sa tabi ng daan sa gabi, sa mga lumang gusali tulad ng mga dating sinehan o bilyaran na ngayon ay punung puno ng mga nakasabit at nakasukbit sa mga pinaglalagyan ng damit para i-display. Ang mga damit na ito ay maaaring nanggaling sa mga kamag-anak na nasa ibang bansa, sa mga kapamilya na gustong magbenta ng damit dahil ang bahay nila ay mistulang isang malaking aparador ng isusuot, o kaya may supplier na pinagkukuhanan ng mga damit na ibebenta.
Ang mga damit na ito ay siyempre pagpipilian at pag iisahin ang mga mukhang bago sa malapit ng maging basahan. Ang mga damit tulad ng t-shirt at blouses ay sinusuri kung kupas na o kung mukhang isa o dalawang beses pa lang na nagamit ay umaabot ng isangdaan hanggang dalwangdaan ang isang piraso na medyo kapresyo ng mga bagong damit kung ito ay "on sale". Sa mga damit naman na may kaunting punit, butas at mantsa na pwede pa namang daanin sa laba at tahi ay may presyong abot kaya ng lahat. At ang huli ay mga damit na kaunti na lang eh ipapamigay na ng mga nagbebenta dahil sa mga tela na masyado ng manipis, sa mga sulsing kahit ekspertong mananahi ay hindi na magagawan ng paraan at siyempre mukha na talagang luma. Meron din namang mga damit na okay ang kulay, walang masyadong tastas at minsan nga parang hindi pa nagagamit pero pag binili mo ito at sinukat, magmumukha kang barkada ng nanay at tatay mo noong teenagers pa lamang sila.Siyempre, ang mga presyo ng mga damit na ito ay abot- kaya din marahil sa ang mga ito ay hindi masyadong nabibili. Ang mga ukay na damit sa aming lugar eh dinadayo ng mga turista. Marami ang humahanga sa mga lugar na may ukayan at sa totoo lang, halos lahat ng lugar dito sa amin ay may ukay-ukay kaya ang ibig sabihin nun ay humahanga ang mga turista sa lahat ng lugar dito sa amin(^^)
Dahil nga sa kasikatan ng ukay kung bakit hanggang ngayon, kahit ano pang batikos ang natatanggap ng mga ukayang ito ay sige pa rin sila sa pagbebenta. May mga balita noon tungkol sa mga sakit na maaaring makuha ng tao pag bumili ng ukay. Kung totoo ang isyung ito eh sana ubos na ang populasyon ng aming lugar.^^ meron ding mga larawan sa internet tungkol sa mga nakakahindik balahibo na ang ibang mga damit na ibinibenta ay galing sa mga bangkay. Masyado ng matalino ang mga mamimili ngayon at gamitin niyo na lang ang inyong mga gumaganang utak kung ano ang pagkakaiba ng sinusuot ng patay sa burol at libing niya.
Sikat ang ukay at dahil sikat binabatikos kaya sa mga taong patuloy na negatibo sa ukay, sabi nga sa Ingles "Get over it!" at sa mga nag ukay kahapon, nag uukay ngayon at mag uukay bukas, pwede ba ako sumama??^^
'
No comments:
Post a Comment